WebClick Tracer

NEWS

Flu, pneumonia vax pangontra sa FLiRT

Iginiit ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng flu at pneumonia vaccine lalo na sa mga healthcare workers, senior citizens, at immuno-compromised individuals sa gitna ng dumaraming kaso ng FLiRT COVID-19 variant.

Ayon kay Garin, dating kalihim ng Department of Health inaasahan na ang pag-mutate at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 pero matutugunan umano ito ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko at pag-manage ng mga mahahawa.

“It is expected that a virus will keep on mutating but what’s important is the capability of our health workforce to manage cases and for the general public to be aware, hence allowing early consultation, diagnosis and management,” sabi ni Garin.

Inilabas ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang Memorandum No. 2024-48 para sa pagsasagawa ng screening sa mga pasahero na galing sa mga bansa kung saan mayroong naitalang kaso ng COVID FLiRT variant. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on