WebClick Tracer

NEWS

Gwen Garcia nilayasan partido ni Digong

Nagbitiw na bilang miyembro ng Partido Demoktratiko Pilipino (PDP) si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia nitong Martes, Mayo 28.

Isinumite ni Garcia ang kanyang resignation letter sa presidente ng PDP na si Rep. Jose Alvarez ng 2nd District ng Palawan.

Ayon sa gobernador, agad na nagkabisa ang kanyang resignation.

Sa kanyang liham, binanggit ni Garcia ang mga pagkakaiba sa politika at mga salungatan sa mga kasalukuyang miyembro ng partido na dahilan ng kanyang desisyon na umalis sa grupo.

Tinukoy niya rin ang lamat sa pagitan niya at ng suspendidong Mayor ng Lungsod ng Cebu na si Michael Rama.

“Specifically, the complaint filed against me by Mayor Michael Rama, Vice President for the Visayas, with the Office of the President, has created an irreconcilable conflict,” saad sa liham.

“In light of these circumstances, I believe it is in the best interest of both myself and PDP-Laban that I step aside. Upholding my personal and professional values, while avoiding any actions that could be detrimental to the party, is of paramount importance,” aniya pa.

Ang PDP na dating PDP-Laban ay pinamumunuan ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman.

Samantala, hindi naman ibinunyag ni Garcia ang kanyang aanibang partido habang papalapit na ang eleksiyon sa Mayo 2025. Bago siya umanib sa PDP, si Garcia ay bahagi ng United Nationalist Alliance (UNA).

Si Garcia ang namumuno sa local party na One Cebu kung saan 95 percent ng mga lokal na opisyal ay kaanib umano ng partido. (Vincent Pagaduan)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on