WebClick Tracer

SPORTS

Jessica Agra sandamakmak pa hahambalusan sa APPT

Sariwa pa si Atty. Jessica Agra sa pagkapanalo sa sa pro women’s doubles title ng 1st Asia Pacific Padel Tour (APPT) 2024 Phuket Open sa Thailand.

Edad 32 ang dating tennis player sa Santa Clara University, isang United States NCAA Division 1 school, na nakaisang taong lumaro sa Ateneo De Manila University sa University Athletic Association of the Philippines bago siya lumipat sa padel sport noong 2022.

Siya ngayon ay rank no. 2 (doubles)s sa APPT.

“Sa susunod na linggo ay makikipagkumpitensya ako sa Bali, Indonesia, at pagkatapos ang APPT ay magdaraos ng isa pang torneo sa Indonesia sa Setyembre, dalawang paligsahan sa Singapore sa Oktubre, isa sa Japan sa Nobyembre, at pagkatapos ang Masters sa Dubai ay sa Disyembre,” litanya ni Agra.

Bisita siya Martes sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall sa Malate, Manila.

Kasama niya ang abogado ring ama na si Philippine Obstacle Sports Federation president Alberto Agra sa sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at ArenaPlus.

“This is our first interview together, kaya very proud and very supportive ang pamilya kung anuman ang tatahakin ni Jessica,” sabi nang nakakatandang Agra na nagpa-padel din. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on