WebClick Tracer

SPORTS

Jia De Guzman, Alas ‘Pinas isasabog ngitngit sa Aussies

Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Coliseum, Manila)

4 pm – Alas Pilipinas vs Australia

7 pm – Vietnam vs Kazakhstan

Nalagot ang apat na dikit na pagliliyab ng Alas Pilipinas at makadagdag pa ng kasaysayan nang yumukod sa mas matangkad at maliksing Kazakshtan, 25-23, 25-21, 25-14, para mapahulagpos ang pangarap na pagtapak sa gold medal match ng 5th Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Challenge Cup 2024 Martes ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Pero may tsansa pang dehins mabokya sa medalya ang Nationals ng Premier Volleyball League at University Athletic Association of the Philippines kung hahakbangang muli ang Australia sa rematch ngayon (Miyerkoles) simula sa alas-4:00 ng hapon sa nasabing Malate, Manila playing-venue.

Tinimbog ng PH squad ang Down Under sa Pool A prelims noong May 23 sa four-set ng torneong inoorganisa ng Philippine National Volleyball Federation sa pamamalakad ni Ramon ‘Tats’ Suzara.

“The Philippines is a very good team, and we have to do very impossible work to win this game,” suma ni Sana Anarkulova na nanguna sa world ranked no. 33 Kazakhstanis at hinirang na Best Player of the Game tapos ng semifinals game.

Makakalaban ng Kazakhs sa 1-game ring titular showdown ang defending champion Vietnam sa alas-7:00 ng gabi mamaya sa kaganapang mga pinapadrinuhan ng Meralco, Rebisco, Philippine Sports Commission, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali Estates, Foton, Philippine Olympic Committee, Maynilad, Mikasa, Asics, Senoh, Cignal, One Sports, One Sports+, Pilipinas Live, Makati Shangri-La, at Gameville.

Nagpasalamat naman si national team skipper Julia Melissa ‘Jia’ Morado-De Guzman sa lahat ng sumuporta kahit na nabigo ang koponan na maabot ang pinakauna sanang pagpasok sa finale sa isang Asian tournament.

“Actually, before going to this game, we already exceed the expectation, but we really wanted to play more although we fall on that goal. We thank you all for support and hope you keep this team together,” sey ng kapitana.

Pinilit ng mga Pinay na makaagaw ng set sa buong hambalusan, pero kinakapos lagi ang mga bataan ni Brazilian coach Jorge De Britosa sa huling bahagi ng labananan.

At halos lahat ng mga atake nito may kasagutan madalas ang mga dayuhan sa panlimang edisyon ng torneo, na parang pangatlo pa lang dahil nakansela ang unang dalawang taon nito.

Pero kumpiyansa si De Guzman na kayang mahablot ng PH 6 ang bronze medal laban sa Australians, giniit na dapat pagtatrabahuhan lang maigi lalo’t resbak ang nasa kukote ng Aussies.

Huling nag-bronze ang isang PH women’s indoor volleyball team sa isang international competition sa 2005 PH Southeast Asian Games na ginanap sa Bacolod. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on