WebClick Tracer

SPORTS

Luka Doncic, Dereck Lively malabong lumaro sa Game 4

Nilista ng Dallas bilang “doubtful” si rookie center Dereck Lively sa Game 4 ng 78th NBA 2023-24 West finals kontra Minnesota Timberwolves ngayong araw.

Sa injury list ng Mavericks, “questionable” rin si star guard Luka Doncic dahil sa right knee sprain at left ankle soreness. Buong playoff run ng Mavs ay kuwestiyonable na si Doncic pero hindi pa lumiliban sa laro.

Abante ang Dallas 3-0, puwede nang i-sweep ang Timberwolves para bumiyahe sa NBA Finals laban sa naghihintay na Boston Celtics.

Inabot ng neck sprain si Lively sa third quarter ng Game 3 nang malakas na matuhod sa likod ng ulo ni Minnesota big man Karl-Anthony Towns. Wala ang reserve center sa NBA contusion protocol.

Kagandahan sa Mavs, posibleng makabalik ang isa pa nilang big na si Maxi Kleber na na-upgrade ang status sa “questionable”.

Naghiwalay ang right shoulder joint ni Kleber sa first-round closeout win kontra Clippers at nagarahe na.

“We have to have the next-man-up mentality,” giit ni Doncic sa posibleng pagkawala ni Lively na backup ni starting center Daniel Gafford. “He helped us so, so much in these playoffs and in the regular season. So obviously we’re going to miss him if he can’t play.”

Mailap pa kina Towns, Anthony Edwards, Rudy Gobert, Mike Conley ang unang panalo sa series, makuha ang unang ‘W’ ay kailangan pa nila ng tatlong sunod para pumalaot sa NBA Finals. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on