WebClick Tracer

SPORTS

Petr Lukosz, August Benedicto bibira sa full IRONMAN, IM 70.3

Ibabalik ni Petr Lukosz ang kamay ng orasan sa asintang ikalawang titulo sa full IRONMAN Philippines sa tatlong taon, gigiyahan ang mga international contender sa 4th Century Tuna IM PH 2024 sa June 9 sa Subic Bay Boardwalk.

Binalewala niya ang pagiging dehado, maraming malalakas na karibal at sobrang init ng panahon upang pamayagpagan ang 3.8km swim, 180km bike, 42.2km marathon race noong 2022. Siya ang unang triathlete na tumawid ng IM finish line sa Asia post-pandemic, pinoste ang halos 10-oras sa pambihirang 09:52:34.

Sa kabila na kinapos sa kanyang age-group category sa katatapos na IM 70.3 sa Cebu, nananatiling liyamado ang Czech corporate executive sa nalalapit na full-distance edition ng premier endurance race na oorgnasahin ng The IRONMAN Group na pinamumunuan ni Princess Galura.

Umabot na sa 369 bidders ng 44 na bansa ang mga sasabak sa IM PH, naghudyat sa pang kapana-panabik at dikdikang kompetisyon gaya sa nakaraang tatlong edisyon ng kaganapan, na nangangailangan dehins lang ng werpa, kundi bilis at tibay bukod pa sa lakas ng isipan.

Ang punong abalang bansa (‘Pinas) magsasalang ng 147 lahoksa pangunguna ni Jemuel Clemente, na ika-13 sa pangkalahatan noong isang taon na pinagwagian ni Dutch Erik Van Der Linden. Ang iba pang kilalang papalag na mga Pinoy ay sina Daniel Valdez, Ramon Abeleda, Gabb Rosario, Lexter Ansaldo, Rolando Alquero at Edgar Puruganan.

Makikirambol din ang mga palabang bata na sina Enrico Pisuena, Carlos Dungao, Allen Santiago at Alab Adviento.

Ang Japan ang may pangalawang pinakamaraming lahok sa 54, kasunod ang France na may 18, US 16, at Singapore, Vietnam na may tig-10 atleta.

Samantala, bibida si August Benedicto sa mga kasali sa 11th IRONMAN 70.3 Subic Bay, tatanawing balikan ang nakakainspirasyon niyang tagumpay sa 1.9km swim, 90km bike, 21km run event sa Cebu noon ding 2022.

Pero nahaharap ang veteran campaigner sa mabigat na pagsubok dahil sa malakas na mga karibal mula sa 37 mga bansa na atat bulilyasuhin ang misyon ng mga lokal sa karera na itinataguyod ang kultura ng kalusugan at wastong pangangatawan para sa lahat anuman ang edad at kakayahan.

Kasagsagan pa ang registration sa www.ironman.com/im-philippines-register.

Kilala rin sa magandang tanawin ang Subic Bay, na buong taong pinananatili ang kalinisan, may malalapad na kalsada at kataka-takang enerhiya ng mga manonood, na langit para sa mga atleta sa buong mundo.

May 24 na panlaban ang Vietnam sa IM 70.3, tig-13 ang Great Britain, Japan at 9 ang Thailand.

Ang mga kompetisyon sa IM 70.3 ay ang individual, age-group at relay event, na may 41 teams na ang mga nagparehistro

Nag-alok din ang IM 70.3 ng age-group qualifying slots para sa 2024 VinFast IRONMAN 70.3 World Championship sa Dec. 14-15 sa Taupo, New Zealand. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on