WebClick Tracer

METRO

SUV driver todas sa Makati road rage

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa naganap na road rage sa Ayala Tunnel, sa Barangay Urdaneta, Makati City nitong Martes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, bandang alas-2:30 ng hapon (May 28), minamaneho ng ‘di pa pinangalanang biktima ang Toyota Innova sakay ang isang bata at isang babae sa south bound lane sa EDSA-Ayala, Makati City, nang makagitgitan ang isang Sedan.

Pagdating sa Ayala Tunnel, bigla na lamang binaril ng nagmamaneho ng Sedan ang driver ng Innova.

Dito ay nawalan ng kontrol ang driver ng Innova kaya dumeretso itong sumalpok sa dalawang motorsiklo.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa rin inilalabas na mapagkakilanlan ang pulisya sa nasawing driver ng itim na Inovva na may plakang NCV – 5421.

Ang nasawi ay nasa pagitan ng edad 40 hanggang 50.

Pagkatapos naman ng pamamaril ay tumakas ang ‘di pa nakikilang driver ng Sedan.

Patuloy pa ang isinasagawang follow up investigation ng mga awtoridad upang matukoy ang nakatakas na salarin.

(Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on