WebClick Tracer

NEWS

Yamsuan nagpasalamat, No. 1 sa Parañaque

Nagpasalamat si Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan sa suportang nakuha nito matapos na nanguna sa voter preference survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) para sa ikalawang distrito ng Parañaque City.

“Tayo po ay nagpapasalamat ng marami sa suporta ng mga kapwa ko taga-Parañaque sa Ikalawang Distrito. Hindi lamang sa araw-araw na lumalaking suporta ninyo kami lubos na nagpapasalamat, kundi maging sa pagkakataon na binibigay ninyo para makapaghatid kami ng tulong at maipakitang posible ang taos-pusong serbisyo sa mga Parañaqueño ng 2nd District,” sabi ni Yamsuan.

Batay sa resulta ng survey, nakakuha si Yamsuan ng 42% voter preference samantalang ang pinakamalapit na posibleng makalaban nito na si Rep. Gus Tambunting ay nakapagtala ng 35%. Si dating Parañaque Vice Mayor at incumbent Councilor Rico Golez ay nakakuha naman ng 12%. Mayroon namang 11% na undecided sa non-commissioned survey.

Ayon kay RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez ipinapakita ng survey na si Yamsuan ay mayroong malaking potensiyal na manalo. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on