WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko iniwanan dyowa sa fiesta

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na iniwanan sa ere ang kanyang dyowa nang dumalo sila sa isang fiesta ng isang bayan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, pagdating daw ng dalawa sa event ay inakay na agad itong politiko ng kabarkada niya ring politiko.

Nag-usap at nagkulitan daw ang dalawa, at walang pakialam sa ibang taong nagkumpulan sa plaza ng bayan.

Umakyat pa raw ng stage ang dalawa at doon pinagpatuloy ang kumustahan, aba’y parang taga-Saudi na ilang taon na hindi nakauwi sa Pilipinas kaya sabik na nagkuwentuhan.

Doon pa lang daw nalaman ng politiko na wala sa kanyang tabi ang seksing dyowa nito kundi naiwan sa lugar kung saan nagkita sila ng kabarkadang politiko. Sundot ng mga miron, dapat daw ay tinalian nito ang kanyang girlfriend upang hindi mawala sa kanyang tabi.

Agad daw binalikan ng politiko ang kanyang dyowa na noon ay nakatingin na lang sa mga bituin upang hindi ipahalata na nabuwisit na ito sa pag-iwan sa kanya.

Clue: Ang politiko ay hindi kaguwapuhan pero maimpluwensiya ang kanilang angkan, habang ang dyowa nito ay kilala ng marami at mapapatango ka sa kanyang pangalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on