WebClick Tracer

NEWS

Ratipikasyon sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, pag-asa ng magsasakang Pinoy

Nagkakaisang nagpasalamat ang mga magsasakang Pilipino matapos ratipikan ng Kongreso at Senado ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong Miyerkules, Mayo 22.

Sinabi ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, na siyang may akda sa Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, na lagda na lang ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang hinihintay at magiging ganap na itong batas.

Umaasa na matatapos na ang paghihirap ng mga magsasakang Pilipino at consumers sanhi ng cartel, smuggling at iba pang katiwalian.

Layunin ng bagong batas na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845, o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act,” at magpataw ng matinding parusa para sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagbuo ng mga kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan.

Mapapangalagaan ng bagong batas ang estado mula sa mga economic saboteurs at mapoprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.

“Ito ang sinabi natin na kahit anong gawing batas, ayuda, pondo ibigay sa magsasaka walang mangyayari kung patuloy na pagsasamatalahan ng smugglers, hoarders, cartel at profiters,” ani Briones.

“At sa ating bill isinasaad ang pagkakaroon ng National Council under the office of the President na kasama sa council ang pitong sector ng magsasaka, may enforcement group na NBI, PNP at Coast Guard. May special prosecutors, at lifetime imprisonment ang parusa, 3x ang multa at nonbailable ito. Pwede rin mag-file ng kaso ang private citizen. Merong rewards sa tipster o whistle blower mula P1M hanggang P20M o 20% whichever is higher.” dagdag ng mambabatas.

Binigyan diin pa nito na hindi maaaring isama ang Bureau of Customs (BOC) dahil walang saysay ang batas na ito tulad sa Anti-Agricultural Smuggling Act, dahil may mga probisyon ito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel kung saan ang customs ang nangunguna sa nasabing batas.

Walang saysay aniya ang utos ni PBBM na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products sa bansa kung nariyan pa rin sa council ng bagong batas ang BOC, at walang nasasampolan na sampahan ng kaso.(Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on