WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Anak ng politiko binoldyak sa pekeng sapatos

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong anak ng politiko na sinita dahil sa pagsusuot ng pekeng brand ng sapatos?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, mahilig daw umepal sa social media itong anak ng politiko na bansagan nating si Boy Suwerte dahil mayaman at tinitingala ang kanyang mga magulang.

Ang kaibahan lang ni Boy Suwerte sa kanyang mga magulang, kuripot ito dahil keri lang niyang bumili ng imitation sa online o kaya ay sa Greenhills.

Isang beses daw, suot nito ang sikat na brand ng sapatos nang magpasikat ito sa social media. Isa raw sa mga nag-react ay nagsabing peke ang suot na sapatos ng ating bida.

Inaway daw ni Boy Suwerte ang pakialamerong netizen at nanindigan na hindi siya nagsusuot ng pekeng sapatos. Makakasira raw ito sa kanyang imahe, pati na sa kanyang mga magulang.

Sa mga sumunod na araw, original na brand na raw ang sinuot ng ating bida dahil sa takot na muli na naman siyang ma-bash kapag peke ang kanyang ginamit na sapatos.

Clue: Si Boy Suwerte ay nag-iikot na sa kanilang lalawigan at posibleng tumakbo sa 2025 elections, habang ang ina naman nito ay baka magretiro na lamang dahil sa katandaan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on