WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

3 Malacañang exec nag-espiya sa dating gov’t official

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong tatlong opisyal ng isang departamento sa Malacañang na bukod sa kanilang kasalukuyang posisyon, may extra job pa ang mga ito bilang espiya at paparazzi ng Palasyo?

Ayon kay Mang Teban, naispatan ang tatlo habang kinukunan ng litrato nang walang paalam ang dating opisyal ng Palasyo na ngayon ay isang private citizen na, habang kumakain sa isang resto sa labas ng Malacañang

Mistulang napraning ang tatlong musketero nang makita ang dating opisyal habang nakikipagkuwentuhan at kumakain kasama ang ilang kaibigang miyembro ng media. Halos lumuwa na nga raw ang mata ng tatlong musketero sa katitig sa dating Palace official.

Hindi pa nakuntento, kinunan pa ng litrato ng tatlo ang ex-official batay sa sumbong ng mga waiter ng resto. Take note, palihim at walang paalam ang pagkuha ng tatlo kaya nagbabalak ang ex-official na sampahan ng kaso ang mga ito dahil malinaw na paglabag ito sa kanyang privacy.

Ipinagtataka ng dating opisyal kung bakit kailangang kunan siya ng litrato ng tatlong espiya gayong wala naman siya ginagawang masama ng oras na iyon, bukod sa hindi naman daw siya kriminal.

Palalagpasin sana ng ex-official ang ginawa ng tatlong espiya subalit kumambiyo ito nang malaman mula sa sources niya sa Palasyo na pinagkakalat at pinagpiyestahan ang kanilang pictures sa group chat ng mga opisyal ng isang departamento ng Palasyo.

Clue: Ang tatlong espiya ay pare-parehong naglalaway sa dating posisyon na iniwan ng ex-official na ito at itago na lang natin sa pangalang Paparazzi 1, 2, 3.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on