WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Barangay kagawad inambus ng tandem

Agaw-buhay ngayon ang isang barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan sa Ormoc City.

Batay sa ulat, bago ang insidente ay kita sa video na nakatigil ang sasakyan ng biktima nang tabihan ito ng isang motorsiklo.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla nang pinagbabaril ang biktima na noo’y nasa driver’s seat ng riding-in-tandem. Matapos paputukan ay mabilis nang tumakas ang mga salarin.

Sa kabila ng tinamong sugat ay nakalabas naman ng sasakyan ang barangay kagawad at agad na nagpasaklolo.

Sa ngayon ay nasa kritikal pa umanong kondisyon ang biktima sa isang ospital.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on