WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ginang 7-beses binaril sa harap ng mga beshie

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ginang habang sakay ng sidecar kasama ang dalawang kaibigan sa Magindanao del Norte nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa pulisya, dead on the spot ang biktima na nakilalang si alyas Ola, matapos magtamo ng pitong bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat, alas-5:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Brgy. Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa nasabing lalawigan.

Sakay umano ang biktima, kasama ang dalawang kaibigan sa sidecar at habang palabas na sa isang eskinita ay bigla silang tinapatan ng dalawang lalaki na may kasamang isang babae at ilang ulit na pinaputukan ng baril ang ginang.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad namang tumakbo ang dalawa niyang kaibigan, maging ang driver ng sidecar sa takot na madamay habang agad namang tumakas ang mga salarin.

Nasamsam ng mga awtoridad sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng 45 caliber pistol.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na pamamaril. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on