WebClick Tracer

METRO

Erpat kalaboso sa ginahasang anak

Himas-rehas ang isang 33-anyos na lalaki matapos nitong gahasain ang kanyang menor-de-edad na anak sa San Isidro, Isabela.

Tinukoy ng San Isidro Police Station (SIPS) ang suspek sa alyas na John, ikapito sa listahan ng most wanted person ng lalawigan sa Region 2.

Sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng regional trial court (RTC) Branch 21, Santiago City, dinakip ang suspek sa kanyang pinagtataguan matapos siyang akusahan ng panggagahasa sa kanyang 12-anyos na anak na babae noong Agosto at Oktubre noong 2022 at 2023

Sa ulat, binantaan pa umano ng suspek ang biktima na may masamang mangyayari sa kanya kapag nagsumbong siya sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, nakakita ng tiyempo ang biktima na makatakas, makatawag at makapagsumbong sa kanyang ina na nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW).

Agad na nag-report ang ina ng biktima sa pulisya na mabilis namang umaksyon para dakpin ang suspek.

Nakapiit ngayon ang suspek sa SIPS jail at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on