WebClick Tracer

METRO

Kelot nirapido habang naghihintay ng pasahero

Bumulagta ang isang pedicab driver nang ratratin ito ng hindi pa nakikilalang salarin habang naghihintay ng kanyang pasahero sa Bacoor City, Cavite noong Sabado.

Inilarawan ang suspek na may taas na 5’5 hanggang 5’8, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puting cap, grey na t-shirt at maong pants.

Samantala, kinilala naman ang biktima na si alyas ‘Jesus’, 31 anyos, binata at residente sa Lumang Palengke, Brgy Zapote 1, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, nakatayo ang biktima habang nag-aabang ng pasahero sa Sampaguita St., Brgy Zapote 1, Bacoor City, Cavite bandang alas-11:30 nang gabi nang lapitan ito ng suspek at sunod-sunod na pinagbabaril gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril, parang walang anumang naglakad lang ang suspek patungo sa direksiyon ng Evangelista Zapote Road.
Kinakalap na ng pulisya ang mga kuha sa CCTV camera para sa kanilang imbestigasyon sa krimen. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on