WebClick Tracer

METRO

Rider, angkas utas sa SUV

Kapwa nasawi ang isang isang rider at angkas nito matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Parehong nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang kinilalang sina Silvestre Leal, driver at angkas niyang si Hilario Madriaga, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa Cabulanglangan, Tagudin sa Ilocos.
Samantala, nasa kustodiya na ng MDTEU ang driver ng SUV na si Rey De Parcarey ,Jr, nasa hustong gulang at taga-Puyat St., Quiapo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente sa southbound lane ng Rizal Ave., sa kanto ng Fugoso st. bandang alas 2:48 nang madaling araw.

Sa imbestigasyon ni PCpl Ignacio, Palo Jr, binabagtas ng mga biktima ang westbound ng Fugoso St. nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa harapang bahagi ng sasakyan ni De Pacarey sa kanto ng Rizal Avenue.

Tumilapon ang mga biktima na nagresulta ng agaran nilang kamatayan.

Nahaharap sa kasong multiple homicide at damage to property ang driver ng SUV. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on