WebClick Tracer

METRO

Tsuper pinutukan ang pastora saka nagpakamatay

Binaril ng tricycle driver ang kanyang sarili matapos nitong putukan at tinangkang patayin ang isang pastora noong Biyernes sa 334.

Kinilala ni Cauayan City Police Station (CCPS) chief P/Maj. Esem Galiza ang lalaki na si Eduardo Pabigayan, residente sa Brgy. Disimuray ng nasabing siyudad.

Lumitaw sa imbestigasyon na tinambangan ni Pabigayan ang biktimang si Precila Salbatiera habang nakasakay ito sa Toyota Hi-Ace van sa isang tulay sa Barangay Gappal.

Nang makiita nito ang pagdating ng sasakyan ng biktima, sinabi ni Galiza na agad binunot ni Pabigayan ang isang cal.45 pistol at walang salitang pinutukan ang pastora.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima at agad na isinugod sa ospital kung saan ito ngayon nagpapagaling.

Samantala, nagtungo sa isang bahay sa Purok 7 sa Barangay Gappal ang suspek at dito nagbaril sa sarili na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima at pagpapakamatay nito kalaunan. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on