WebClick Tracer

METRO

Huling higop! Nagkakape niratrat ng rider

Hindi na naubos pa ng isang lalaki ang hinihigop na kape nang pasukin ito ng suspek at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Naic, Cavite Lunes ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktima na si alyas Carlito dahil sa tama ng baril sa katawan.
Tinutugis naman ang suspek na si alyas Marvin na tumakas sakay kanyang motorsiklo dala ang di nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat, nagkakape ang biktima sa loob ng kanilang bahay alas-2:00 ng madaling araw nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang nagsasagawa ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan ng suspek. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on