WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mga piloto binalaang lumapit sa Taal volcano

Inalerto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto na nagpapalipad ng anumang uri ng eroplano na iwasang lumapit sa bulkang Taal at imantine ang vertical limits mula sa 10,000 feet sa ibabaw ng bulkan.

Sa latest na Notice to Airmen (NOTAM) na inisyu ng CAAP para alertuhin ang mga piloto, simula alas- 8:30 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga ngayon, June 11, 2024 ay nasa alert level 1 ang nabanggit na bulkan.

Habang ang Taal Volcano ay nasa Alert Level 1 (Low-level Unrest).

Inaabisuhan ang flight operators na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa tuktok ng bulkan na maaring magkaroon ng biglaang phreatic eruptions, kung saan delikadong makahigop ng abo ang makina ng eroplano. (Otto Osorio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on