WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko promotor ng illegal streaming sa NBA

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na namimigay ng mga streaming site ng National Basketball Association (NBA) sa Facebook?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, isa raw ito sa pakulo ng politiko upang makabingwit ng boto sa 2025 elections at makabalik sa dati niyang puwesto.

Ang problema lang, ilegal daw ang ginagawa ng politiko dahil hindi ito ang official site para makapanood ng laro ng NBA lalo na ngayong sumasabak sa championship ang Boston Celtics at Dallas Mavericks.

Kilalang maka-Luka Doncic itong politiko kaya hindi lang ito lokong-loko, duma-Dallas din ang pamimigay ng streaming site kahit ilegal ang kanyang ginagawa.

Dahil bistado na sa labag na gawain, sina-shoutout na siya ng mga illegal streamer. Mukhang proud pa raw si kolokoy, feeling niya ay Dabarkads na niya ang mga hacker.

Bukod sa illegal na gimik, dumadalas din daw ang pamimigay ng cash assistance ng politiko sa mga estudyanteng walang pambaon.

Dinadaan daw niya sa GCash ang ayuda sa mga estudyante. Aba’y ngayon pa lang ay tila nanunuhol na ang politiko sa mga botante ng susunod na halalan.

Clue: Ang politiko na nagdo-donate ng illegal streaming site ng NBA ay gustong gumawa ng batas kapag nanalo at palaging nakasalamin kahit naliligo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on