WebClick Tracer

METRO

Sikyo hinamon ng away, nambistay

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang lalaki na unang naghamon ng away sa isang security guard ng isang subdibisyon nang barilin ng huli sa Trece Martires City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.
Ginagamot ngayon sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima na si alyas Ian dahil sa tinamong bala sa dibdib mula sa service firearm ng suspek na si alyas Eddie.

Sa ulat, naka-duty si ‘Eddie’ bilang security guard sa Ciudad Adelina, AFP/PNP Housing, sa Brgy Luciano, Trece Martires City, Cavite alas-2:30 kamakalawa ng madaling araw nang dumating ang biktima at ilang kasamahan nito at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan.
Umuwi ang biktima sa kanilang bahay pero binalikan niya ang guwardiya sa guardhouse na armado ng kutsilyo at inatake ang sikyo pero bago pa man makapaghiganti ay binaril na siya ng guwardiya at tinamaan sa dibdib.
Isinugod ang biktima sa ospital habang naaresto naman ang suspek at narekober ang isang kalibre 38 na baril na ginamit sa krimen. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on