WebClick Tracer

NEWS

8 pulis kalaboso sa Kamara

Na-cite in contempt ang walong pulis-Quezon matapos na tumangging sumagot sa mga tanong ng mga kongresista kaugnay ng kuwestiyonableng raid na kanilang ginawa sa bahay ng isang testigong humarap sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety.

Sa pagdinig ng komite nitong Martes, nagtanong si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa walong pulis kung pinaninindigan nila ang kanilang posisyon na hindi sumagot sa mga tanong ng mga miyembro ng komite.

“Gusto ko lang tanu¬ngin ‘yung walo…. Do you still stand with your position that you will not answer the query of this committee?” tanong ni Paduano. Ang walong pulis ay isa-isang sumagot ng “yes.”

“I move to cite in contempt those eight PNP personnel in violation of paragraph C of our provision in contempt for refusal to answer relevant questions in this committee Mr. Chairman,” sabi ni Paduano.

Inaprubahan ng chairperson ng komite na si Laguna Rep. Dan Fernandez ang mosyon.

Ang walong pulis ay inaakusahan na siyang nag-raid sa bahay ni Renelyn Rianzales dalawang araw matapos itong tumestigo sa pagdinig ng komite kaugnay ng mga iregularidad noong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on