WebClick Tracer

SPORTS

Alas ‘Pinas ibinunton ngitngit sa Australia

Bumawi agad ang Alas ‘Pinas Girls Under-18 Team nang tibagin ang Australia, 25-16, 25-23, 21-25, 25-19, sa 22nd Princess Cup U18 Women’s Southeast Asian Volleyball Championship sa Nakhon Pathom sa Thailand Martes ng hapon.

Pambalikwas ito ng Nationals sa three-set loss kontra powerhouse host Thais noong Lunes para sa 3-1 win-loss slate sa torneo at manatiling nasa kontensiyon pa rin para sa titulo.

Maangas na sinimulan ng mga alipores ni national coach Takayuki Minowa ang kampanya sa pagwalis sa Singapore (straight set win) noong Linggo at hakbangan ang Malaysia sa four sets noong Sabado.

Sunod sa PH 6 ang Indonesia ngayong Miyerkoles (Hunyo 12), paglalabanan ang ikalawang puwesto sa final round. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on