WebClick Tracer

NEWS

Binabantayang LPA, malabong maging bagyo

Malabo nang maging ganap na bagyo ang Low Pressure Area o LPA sa loob ng teritoryo ng bansa, na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa.

Ito ay matapos na malusaw din ang LPA kahapon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro nito sa katubigan ng Garcia Hernandez, Bohol.

Sa kabila nito ay magdudulot pa rin ng pag-uulan ang LPA sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Agusan del Norte.

Nakaranas din ng mga pag-uulan ang ilang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Las Piñas dahil naman sa thunderstorms. (Cherk Balagtas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on