WebClick Tracer

NEWS

CA binuro uli yaman ng Mica Tan Group

Pinalawig pa ng Court of Appeals ng anim na buwan ang freeze order sa mga accounts ng Maria Francesca (MFT) Group of Companies sa mga bangko at insurance companies at iba pang mga investment houses.

Ayon sa Securities and Exchange Commission, binasura ng CA ang motion ng MFT Group na tanggalin ang freeze order sa resolusyong inilabas noong Mayo 30. Pinalawig din ng CA ang freeze order sa mga accounts na may kaugnayan sa MFT hanggang Nobyembre 9, 2024.

Sabi ng SEC, ang extension ay para bigyan ang pamahalaan ng sapat na panahon para ihanda ang kaso at ihain ang mga ito nang hindi inaalala kung nauubos na ang ari-arian na konektado sa diumanong ilegal nitong mga gawain.

“A freeze order is an extraordinary and interim relief issued by the CA to prevent the dissipation, removal, or disposal of properties that are suspected to be the proceeds of, or related to, unlawful activities,” sabi ng CA. “Based on the surrounding facts and circumstances, we cannot rule out the possibility that the subject bank, securities, and insurance accounts and the related and materially-linked accounts may have been used for the Ponzi scheme.”

Unang naglabas ng freeze order sa mga accounts ng MFT noong Mayo 13 nang sinabi nitong may probable cause o may sapat na dahilan para paniwalaang maaari itong konektado sa mga ilegal na gawain. Sakop ng freeze order ang 138 bank accounts, 4 na securities accounts, at 4 na insurance accounts. Ang mga accounts ay nasa pangalan ng MFT Group, Foundry Ventures I Inc., Mondial Medical technologies, Maria Francesca D. Tan, Christian Konstantin, Roxanne G. Agbayani, Enrique Eduardo D. Tan, Charles Edward D. Tan, at Luis Gabriel R. Cancio Jr.

Ang panlilinlang o fraud sa ilalim ng Securities Regulation Code ay isa sa mga tinatawag na predicate offenses sa ilalim ng Anti Money Laundering Act na mga krimen kung saan nakakalap ang mga salarin ng pera kasama na rito ang tax evasion at drug trafficking. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on