WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Cebuano galit sa byuti, 3 bebot sinuntok

Inaresto ang isang lalaki sa Cebu City matapos ang serye ng panununtok nito sa tatlong babae na kanyang nakasalubong sa magkakahiwalay na lugar.

Nag-ugat ang pang-uumbag dahil galit umano ang suspek sa mga magaganda.

Ayon sa isang ulat, desidido ang mga biktima na sampahan ng reklamo ang nadakip na suspek.

Naunang nabiktima ang isang 33-anyos na babae na naglalakad sa Barangay Cogon Ramos alas-6:30 ng gabi noong Linggo.

Ayon sa biktima na bigla na lang daw siniko ng suspek ang kaliwang mata niya.

Sumunod na target ng biktima ay ang isang 20-anyos sa Osmena Blvd na sinuntok ng suspek sa ilong.

Ang ikatlong biktima naman ay isang 22-anyos na sinuntok naman sa kaliwang mata.

Batay sa impormasyon ng pulisya, tanging idinahilan daw ng suspek ay ayaw nito sa mga magagandang babae dahil sa diumano’y pagiging “fake.”

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pananakit ng suspek na nahaharap sa reklamong multiple serious physical injuries. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on