WebClick Tracer

NEWS

Chiz aayusin problema sa Senate parking

Nangako si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na kanyang solusyunan ang problema sa parking at iba pang isyung kinakaharap ng mga kawani ng Senado habang nakabinbin ang paglipat sa New Senate Building sa Taguig City.

Binigyang-diin ni Escudero ang kahalagahan ng pagtitiyak ng sapat na parking facility na matagal nang problema sa lokasyon ng Senado sa GSIS building sa Pasay City.

Para mapagaan ang problema, idinetalye ni Escudero ang ginagawang hakbang para maisaayos ang parking spaces sa GSIS building, na magsisilbi bilang isang modelo sa hinaharap ng plano sa New Senate Building.

“Dito, anong ginagawa natin? Sinisikap nating maayos ang parking ng empleyado’t bisita ng Senado para sa mas maayos na kapaligiran. Kinuha na natin, hiningi natin, at hiniram natin ang lupa ng DPWH sa gawing kaliwa ko para makapagbigay ng humigit kumulang 300 na espasyo para sa parking,” pahayag ni Escudero sa flag raising ceremony sa Senado noong Lunes.

Maliban sa paggamit ng lote ng Department of Public Works and Highways, sinabi ni Escudero na patuloy ang negosasyon sa Social Security System para magamit ang bahagi ng lote bilang kanilang parking space sa likod ng GSIS building. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on