WebClick Tracer

SPORTS

Chris Newsome, Bolts lalayo pa sa Beermen

Sorpresang nasa trangko ng 48th PBA 2024 Philippine Cup Finals ang Meralco matapos ang tatlong laro kontra San Miguel Beer.

Kinuryente ng Bolts ang Game 1 93-86, binawian ng Beermen 95-94 sa Game 2. Sa Game 3 noong Linggo, naigapang ulit ng Meralco ang 93-89 win sa likod ng 26 points ni Chris Newsome, 17 points at 13 rebounds ni Raymond Almazan at 16 markers ni Bong Quinto.

Babalik ng Smart Araneta Coliseum ang Bolts sa Game 4 ngayong araw (alas-7:30 ng gabi) para subukang ilayo ang series lead sa 3-1. Kung malilingat ang Meralco, ibubuhol nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter sa 2-2.

“15 lead changes, 16 times tied – you just see how close these games are,” bulalas ni coach Luigi Trillo sa postgame press conference tapos ng Game 3. “I thought we were okay in our executions. They do some zones on us, we’re gonna see more zone.”

Si June Mar Fajardo, binulabog ng Bolts at nagkasya lang sa 5 field goal attempts, 2 ang pumasok. Pinaghirapan niya ang 8 points pa niya sa stripe, hindi iniupo sa buong second half tungo sa halos 41 minutes sa floor.

“Instruction sa amin nila coach, pagurin si June Mar,” giit ni veteran big Almazan.

Pero napuwersa pa sa maagang foul trouble sina Fajardo at Perez – tigatlo na sa halftime.

“That’s not part of the game plan, but that shows that we’re being aggressive and we’re actually trying to get to the rim and make things happen,” pakli ni Newsome, naka-6 points lang sa first half.

Sa foul trouble ng main men, rumesponde ang bench ng Beermen – 47 points total sa pangunguna nina Mo Tautuaa (19), Don Trollano (11), Jeron Teng (10).

Naalagaan ng Bolts ang bola – 10 turnovers lang.

Lunes lang nag-off ang Meralco, salang ulit kahapon.

“Our coaching staff, mag-uusap kami ng Tuesday, we’ll keep them grounded,” panapos na sey ni Trillo. “We know this team, they’re very capable of coming back. To us, we can’t celebrate.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on