WebClick Tracer

NEWS

DOTr niligwak kasunduan sa mga unconsolidated jeepney

Nilinaw ng Department of Transportation na walang naging kasunduan sa pagitan ng kanilang tanggapan at mga grupong hindi sumama sa consolidation para bumiyahe ng hanggang isang taon.

Ito ng inihayag sa Bagong Pilipinas public briefing ni DOTr Undersecretary Andy Ortega taliwas sa pahayag ng grupong Manibela na mayroon umanong napagkasunduan sa pagdinig sa Kamara de Representantes na papayagan silang mamasada ng isang taon.

Sinabi ni Ortega na mungkahi lamang ito ng isang kongresista at walang inilabas na posisyon dito ang DOTr. Pinag-aaralan pa aniya ito kaya malinaw na misinformation ang ipinapakalat ng grupong Manibela.

“Ang answer ng ating LTFRB, pag-aaralan po iyong proposal na iyon. Ngunit just to clarify some misinformation, wala pong naging agreement ang DOTr na sila ay payagang bumiyahe po ng isang taon wherein hindi po sila nag-consolidate,” ani Ortega.

Malinaw naman na nabigyan ang mga ito ng hanggang May 30 deadline at mahabang panahon ang ibinigay sa grupo na dapat sinamantala kung talagang gusto nilang sumama sa modernization program. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on