WebClick Tracer

METRO

Driver damay: Tserman, niratrat sa gasolinahan

Patay ang isang barangay chairman at driver nito matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalalakihan habang nasa loob ang dalawa ng kanilang sasakyan sa Barangay Poblacion, City of San Fernando, Pampanga kahapon.

Kinilala ang barangay opisyal na si Chairman Ryan Dela Cruz, ng Barangay San Pedro Cutud habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driver nito.

Kapwa wala nang buhay nang datnan ang dalawa ng mga rumespondeng awtoridad ganap na alas-4:00 ng hapon

Ayon sa mga saksi, pinaulanan ng bala ng mga suspek ang kulay maroon na Mitsubishi Montero SUV na sinasakyan ng mga biktima habang nagkakarga sa isang gasoline station sa naturang barangay.

Si Dela Cruz, 37 ay kasalukuyang nanunungkulan bilang barangay chairman ng San Pedro Cutud nang mangyari ang pananambang. (Rudy Abular)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on