WebClick Tracer

NEWS

ERC inaprub installment na dagdag-singil sa kuryente

Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kahilingan ng Manila Electric Company na gawing utay-utay ang paniningil sa dagdag-singil sa kuryente imbes na isang bagsakan lamang.

Ayon sa Meralco, kung hindi hahatiin ang dagdag sa rate, maaaring umabot sa P0.80/kWh ang sisingilin sa mga consumer ngayong buwan. Noong Mayo, nagtaas din ng halos P0.50/kWh sa presyo ng kuryente.

Hindi pa masabi ng Meralco ang pinal na pigura sa magiging hati ng dagdag singil sa June, July at August bill dahil hinihintay pa rin nila ang aktuwal na billing mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Tiniyak naman ni ERC chair Atty. Monalisa Dimalanta na hindi aabot sa P1.00/kWh ang dagdag singil sa kuryente.

Bukod sa Meralco, inatasan din ng ERC ang iba pang distribution utilities na hintayin muna ang aktuwal na singil ng WESM bago ipadala ang bill sa kanilang mga customer.

Nagmahal ang presyo ng kuryente dahil sa madalas na yellow at red alert noong Mayo hanggang Hunyo. Bunsod ito ng pagtirik ng mga planta na ginagatungan ng coal at gas.

Dahil sa pagtirik ng maraming planta, napilitang bumili ang Meralco at iba pang power firm ng kuryente sa WESM na mas mahal kaysa sa mga kinontratang planta.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on