WebClick Tracer

NEWS

Mga buntis, sanggol swak sa benepisyo ng 4Ps

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawakin ang sakop ng benepisyong ibinibigay sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at isama ang mga buntis at nagpapasusong ina upang masiguro ang kalusugan ng mga sanggol sa unang isang libong araw.

Ito ang direktiba ng Pangulo sa ipinatawag na sectoral meeting sa Malacañang nitong Martes kung saan kapwa dumalo ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa ginanap na pulong ay ina¬prubahan ng Pangulo ang mungkahi ng DSWD para sa cash grant sa mga buntis at nagpapasusong ina upang matugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga sanggol sa loob ng 1,000 araw.

Inatasan ng Pangulo ang DSWD at NEDA na alamin ang pinal na bilang ng mga dapat mabigyan ng ayuda upang magawa ang mga kinakailangang adjustments sa pondo.

“Okay, yes, let’s do that. On the first 1,000 days of a child’s life, bring the mother, the family into the system. That’s really good,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on