WebClick Tracer

OPINION

Nagiging personal na ang galit

Sa aminin natin o hindi, nagkakaroon ngayon ng malawakang anti-Chinese na pananaw ang karamihan sa atin.

Nitong mga nagdaang buwan, tumaas ang mga operasyon na tumatarget sa mga Chinese nationals mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at naging malaking isyu din ang pagdami ng mga estudyanteng Chinese sa Pilipinas.

Mistulang nagkakaroon na ng xenophobia kung saan hindi na nagiging parehas ang pagtingin at pagtrato natin sa isang partikular na nasyon. Nagiging racist na yata ang karamihan sa atin.

Dahil sa kagagawan ng iilan, lumalabas na galit na tayo sa lahat ng Chinese. Damay-damay na ito.

Tulad dito sa Porac, Pampanga kung saan sinalakay ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Lucky South 99 Outsourcing Corporation noong June 4, 2024. Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Belinda Rama ng Malolos Regional Trial Court. Ang siste, kinabukasan ay binawi ni Judge Rama ang warrant dahil sa ilang kadahilanan. Bagamat binawi ang warrant huli na dahil naisagawa na ang raid at dinetine ang mga dayuhang inakusahang sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Dahil sa nangyari, inakusahan ni PAOCC spokesperson Winston Casio ng korapsyon si Judga Rama. Sinabi rin ni Casio na nagkaroon ng leak kaya nakatakas ang POGO workers.

Inakusahan pa ni Casio ang mga opisyal ng baranggay, ang mayor, at iba pang local official ng pagbubulag-bulagan at hindi pagrereport sa ilegal na aktibidad sa kanilang lugar.

Marami pang inakusahan si Casio ng korapsyon kabilang na ang PAGCOR na patuloy nagpapahintulot sa Lucky South sa kabila ng mga ulat ng ilegalidad.

Sinabi pa ni Casio na sangkot sa kidnapping ang Lucky South kahit wala naman ni isang jidnapping case na isinasampa laban sa POGO operator.

Sa dami ng inakusahan at sinilip ni Casio, hindi man lang nito ikinonsidera ang naging basehan ng judge sa pagbawi ng warrant na may kakulangan din ang PAOCC.

Ang nangyaring ito sa Lucky South ay maikokonek natin sa tumitinding galit sa mga Chinese national na hindi makatarungan. Kung nagiging personal na ang paghahabol natin sa POGO operator, maituturing na itong pag-abuso sa kapangyarihan.

‘Wag sanang manaig ang galit. Wag tayong maging racist. Doon lang tayo sa tama.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on