WebClick Tracer

SPORTS

Nesthy Petecio atat ding makamedalya sa Asiad

Dehins pa tapos ang misyon ni 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio.

Ito ang ipinahayag niya sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes kasama ang kapwa boxers at Paris Olympics-bound na sina Hergie Bacyadan, Aira Villegas, coaches Ronald Chavez, Reynaldo Galido, Don Abnett at Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Jarwin Manalo.

“Meron na akong gold medal sa Southeast Asian Games, nag-world champion na rin ako, nakakuha na ng silver sa Olympics, talagang betlog lang ako sa Asian Games. Tatlong Asian Games na yata ang nasalihan ko pero lagi akong betlog kaya iyun ang gusto ko makuha bago ko iwanan ang boksing,” litanya ni Petecio.

Hindi nakadalo sesyon sina Eumir Felix Marcial na nag-eensayo sa Estados Unidos habang kinailangan ni Carlo Paalam na umuwi ng Cagayan De Oro para sa kaarawan ng anak.

Ayaw mangako ng Olympic gold nina Chavez at Galido, pero tinitiyak na palaban ang koponan sa medalya na maaring pumantay o humigit pa sa isang pilak at dalawang tanso sa Tokyo Olympics tatlong taon na ang nakalilipas.

Sina Petecio, Villegas, Bacyadan, Paalam at Marcial ang mga pwedeng mag-podium finish sa Paris Games, ayon kay Manalo sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at ArenaPlus.

“Ang five na nag-qualify, we feel have a very good chance to podium and to go all the way,” anang opisyal na sinamahan ang team ‘Forum’ sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall sa Malate Manila. “Kami ay lubos na umaasa sa kanila.”

Parehong nanalo ng silver medals sina Petecio at Paalam sa Tokyo Games, habang nagdagdag ng bronze si Marcial sa naging pinaka-produktibong kampanya ng PH boxing squad sa quadrennial sportsfest. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on