WebClick Tracer

NEWS

NTF-ELCAC patuloy na magbabantay

Patuloy na magbabantay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang mga partner nito sa anumang balakin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, kahit mahihina na ang mga guerilla fronts nito sa Cagayan Valley at karatig na mga lugar.

Inihayag ito ni NTF-ELCAC Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. matapos manawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging handa sa ‘external threats’ dahil sa tensiyong ‘geopolitical’ sa Indo-Pacific region.

“Complacency could undermine the progress made and jeopardize the security of the area,” ang sabi ni Torres, na ipinagdiinan din na ang maigting na pagbabantay sa mga kilos ng CPP-NPA-NDF ay magpapatuloy kasama ang ‘terror-grooming’ o ‘paghuhubog sa mga bagong recruit ng mga ito sa kabataan na maging terorista.

Sa isang kaganapan sa Isabela province, ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. ang pagiging malapit na lokasyon ng bansa sa Taiwan, na pinag-iinteresan ng China na mapasa-kanilang muli.

Ito raw ang dapat na tinututukan ng paghahanda ng mga nasa ‘northern Philippines’ sa anumang maaaring mangyari.

Sinabi ng Pangulo na ang lumalalang ‘external threats’ ang dapat pagtuunan ng ‘territorial defense’ laban sa mga banta na manggagaling sa labas ng bansa. Kaya naman inilalagak ng Pangulo ang lahat ng pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapalakas ang kapasidad nito. Kanya rin ipinagdiinan ang pangako ng pamahalaan na ipaglaban at idepensa ang mga teritoryo ng bansa at hindi isusuko ang mga boundary nito kundi pangangalagaan ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga ‘diplomatic efforts.’

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on