WebClick Tracer

METRO

P3M ni bossing, ninenok ng katulong

Arestado ang isang katulong makaraang umamin na tinangay nito ang P3 milyon cash na pera ng kanyang amo sa Gen Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si alyas Nica, tubong Burgos Carranglan, Nueva Ecija.

Sa ulat, bandang alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang komprontahin ang suspek ng kanyang amo hinggil sa nawawalang P3,000,000.00 na nakalagay sa isang bag sa loob ng cabinet ng biktima sa kanilang bahay sa Brgy San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

Kinompronta ang suspek at itinangging may kinuha ito subalit bandang huli ay umamin at sinabi kung saan ito itinago.

Narekober ang pera sa kisame ng comfort room ng bahay ang halagang P1,000.00 bills na nagkakahalaga ng P500,000.00 at sa kanyang drawer na dalawang bundle na tig P1,000.00 bills na nagkakahalaga ng P1,000,000.00. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on