WebClick Tracer

NEWS

Pag-atake sa reporter inalmahan

Umaasa si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na lalabas ang katotohanan sa likod ng diumano’y pag-atake sa isang radio reporter ng mga kasapi ng isang transport group na nagsagawa ng kilos protesta sa Quezon City noong Lunes.

“We need to know the truth here because members of the media are simply doing their job. These journos should not be targeted nor subjected to harassment and violence,” giit ni Tolentino.

Nauna nang kinondena ng iba’t ibang media groups gayundin ng Presidential Task Force on Media Security ang pangha-harass ng transport group na Manibela sa DZRH reporter na si Val Gonzales sa kasagsagan ng kilos protesta sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office sa Quezon City noong Lunes.

Itinanggi naman ni Manibela chairman Mar Valbuena na inatake ng kanilang grupo si Gonzales. Anila, si Gonzales ang nagsimula ng insidente sa pamamagitan pagmura sa kanilang mga kasapi. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on