WebClick Tracer

NEWS

PUV driver na nam-bully ng pasahero, kinastigo

Naglabas kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng ‘show cause order’ laban sa jeepney driver na nagpahiya umano sa kanyang pasahero.

Inutusan ng LTFRB ang driver at ang kanyang operator na humarap sa isang pagdinig sa Biyernes, Hunyo 14.

Ayon sa LTFRB, ang show cause order ay dahil sa pinamalas na kawalan ng galang ng driver, pagkabigo nito sa paghahatid ng pasahero at paglabag sa “safe spaces in public transportation.”

Sa pagpapalabas ng kautusan, sinabi ng LTFRB na inaksyunan lamang nito ang reklamong inihain at viral video na ipinost ng pasahero.

Batay sa reklamo ng 29-anyos na pasahero, hiniling ng jeepney driver na bumaba siya dahil sa sobrang timbang, at sinisi pa ang bigat nito bilang dahilan ng pagka-flat ng mga gulong ng kanyang sasakyan.

“Failure on your part to appear before this Board on the date mentioned above shall be considered as a waiver on your part to be heard and this case shall be decided on the basis of the evidence presented and the records of the Board,” nakasaad sa kautusan. (Dolly Cabreza/Cherk Balagtas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on