WebClick Tracer

METRO

Tomboy binaboy ng katagay

Isang babaeng LGBTQ o lesbian ang ginahasa ng kainuman niyang lalaki sa Brgy. Cultihan, Taal, Batangas.

Ayon sa report ng Taal police, alas-2:00 ng madaling araw ng Linggo nang mangyari ang panggagahasa habang inihahatid na pauwi ng suspek na si Jonas ang biktimang si alyas France.

Unang nagplanong mag-inuman ang suspek at ang biktima kasama ang isang tomboy ding kaibigan sa bahay ng suspek.

Pero matapos ang inuman at malasing ang biktima, inihatid ito pauwi ng suspek sa kanyang bahay at magkaakbay na naglalakad.

Hanggang sa bigla umanong inilihis ng suspek ang daan at pagdating sa may sagingan ay puwersahang inihiga, hinubaran at hinalay ang biktima.

Matapos aang krimen, nagsumbong ang biktima sa mga barangay tanod at naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8553 o kasong rape. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on