WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Grade 12 nahulog sa bangka, sinakmal ng `syokoy’

Bangkay na nang matagpuan ang isang Grade 12 student sa Brgy. Marcella, Uson, Masbate matapos ang anim na araw simula nang mahulog ito sa bangkang de motor habang nangingisda.

Kinilala ang biktimang si Arnel na nahulog sa bangkang de motor kasama ang dalawang kaibigan sa pangingisda noong Hunyo 5, 2024.

Sa ulat ay napag-alamang halos kalahati na ang katawan ng biktima nang matunton at pilit na inaahon ng mga kaibigan at kanyang ina.

Nakita ang bangkay Miyerkoles ng hapon sa isang mangrove area na umaalingasaw na.

Pinaniniwalaan ng pamilya na kinain ng syokoy si Arnel dahil sa napudpod na malalambot na bahagi ng katawan nito.

Pinaliwanag naman ng Rural Health Unit ng Uson na lumambot ang katawan sa tagal nang pamamalagi nito sa tubig-dagat kung kaya nabawasan umano ang laman ng patay na katawan.

Sinasabing kaka-graduate lang ng Senior High School ni Arnel na katuwang din ng kanyang single mother sa paghahanap-buhay. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on