WebClick Tracer

METRO

Rider nagulungan ng bus sa Edsa

Dobleng malas ang inabot ng isang rider na matapos matumba nang masagi ng isa pang motorsiklo ay nagulungan pa ng bus sa Edsa sa Makati.

Sa report, nangyari ang sakuna sa southbound lane ng Edsa Magallanes.

Napag-alaman na habang minamaneho ng nasabing rider ang kanyang motorsiklo ay aksidente itong nasalpok ng isa pang kapwa rider.

Sa lakas ng impact ay sumemplang ang biktima kung saan tiyempo namang paparating ang bus at nagulungan ang natumbang biktima.

Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang driver ng bus.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on