WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Solon kinunsinte manyak na staff

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas na tila kinunsinte ang ginawang pangmamanyak ng kanyang staff sa babaeng empleyado nito?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ang lalaking staff ay nagsisilbi umanong driver ng mambabatas kaya sakalam ito sa kanyang amo kahit gumawa ng kabulastugan.

Natipuhan daw ni driver ang babaeng staff ng mambabatas dahil bukod sa maayos manamit, byuti rin ito at may katamtamang bumper.

Madalas daw mabosohan ni kolokoy ang babae sa opisina kaya lalo itong naglaway sa inosenteng staff.

Noong una, patsansing-tsansing lang ang ginagawa ni driver pero kalaunan ay sinasadya na raw ang paghawak sa baywang ng babae hanggang makarating na sa bumper ng biktima.

Akala siguro ng lalaki ay magugustuhan ng magandang staff ang kanyang ginagawa dahil sa kasabihang “basta driver, sweet lover.” Pero nagkamali siya ng hinala.

Nireklamo raw kasi ng staff ang kababuyan ng driver pero dinedma lamang ito ng director sa opisina ng mambabatas. Ipinagbigay alam din daw sa mambabatas ang insidente pero itinuro sa director ang responsibilidad na umayos sa reklamo.

Clue: Ang mambabatas na dinedma lang ang pangmamanyak ng kanyang driver sa babaeng staff ay puwede mong tawagin sa kanyang pangalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on