WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Sanggol dedbol sa salpukan ng motor

Isang limang buwang gulang na sanggol ang nasawi sa naganap na banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Calape, Bohol noong Huwebes ng umaga.

Sinabi ng pulisya na ang lalaking sanggol ay karga-karga ng kanyang ama habang sila ay sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang 21-anyos na ina.

Sa imbestigasyon ng Calape Municipal Police Station, sinubukang i-overtake ng ina ang isa pang sasakyan ngunit nabangga nito ang isang motorsiklo sa kabilang linya.

Nahulog naman ang sanggol at ang kaniyang mga magulang sa motorsiklo dahil sa lakas ng impact.

Dinala pa ang sanggol sa Calape Mother and Child Hospital kung saan siya idineklarang patay na.

Naka-confine naman ang mag-asawa sa isang ospital sa Tagbilaran City. (CS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on