WebClick Tracer

SPORTS

Capital1 import Marina Tushova tinuhog, nilantakan kikiam, fishball

Hindi makalimutan ni Capital1 import Marina Tushova ang unang pagkakataong kumain ng balut habang ikinatuwa naman ang pagsubok na lumapang ng kikiam at fishball kasama ng kanyang mga kakampi sa unang linggo nang pamamalagi sa bansa bilang isa sa mga import sa 7th Premier Volleyball League (PVL) 2024.

“New family. New country. New challenge. Start here!,” post ng 26-anyos na Russian spiker na magiging dayong manlalaro ng Solar Spikers sa nalalapit na Reinforced Invitational Conference.

Kiinatuwaan naman sa social media ang post na tumutusok ng kikiam at fishball ang balibolista habang kasama ang libero na si Bingle Landicho pati na rin ang pagkain nito ng balut na may pilit na iniiwasan sa gitna.

Si Tushova, na nasa kanyang unang stint sa ‘Pinas, ang ikalawang Russian na makikitaan ng aksiyon sa reinforced volleyfest kung saan ang kababayan na si Elena Samoilenko nakatakdang pumalo sa PLDT.

Ipaparada naman ng Chery Tiggo ang unang nagtala ng record most points na 42 na si Khat Bell.

Hindi pa nagsisiwalat ang ibang koponan ng kanilang mga import. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on