WebClick Tracer

NEWS

DOH: Cholera, dengue, leptospirosis usong sakit sa tag-ulan

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa sakit na cholera, dengue at leptospirosis na posibleng makuha ngayon panahon ng tag-ulan.

Ginawa ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang babala para payuhan ang publiko na paghandaan upang mapigilan ang paglaganap ng tatlong nabanggit na sakit.

Sa pagdalo ni Herbosa sa pagbubukas ng Bagong Urgent Care Ambulatory Services (BUCAS) Center sa Tubao, La Union, sinabi nito na inaasahan na ang pagtaas ng mga kaso ng dengue ngayong tag-ulan.

“If you store rainwater in containers, make sure you will cover it properly because mosquitos will lay eggs in clean water. We should prevent the spread of mosquitoes to prevent dengue,” ani Herbosa.

Ang water-borne diseases tulad ng cholera at leptospirosis ay dumarami rin sa panahon ng tag-ulan dahil sa kontaminasyon ng tubig gaya ng deep wells.

Dapat umano na ang mga kubeta ay nakalagay 25 metro ang layo mula sa pinagkukunan ng tubig.

Ayon kay Herbosa, ang leptospirosis ay karaniwang nagmumula sa ihi ng daga at ang mga basura ang ordinaryong pinagkakanlungan ng mga ito na humahalo sa tubig baha kaya dapat na iwasan ang paglusong sa baha kapag umuulan. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on