WebClick Tracer

SPORTS

Kyrie Irving nilagare ang 13 malas kontra Boston Celtics

Natagpas ang personal 13-game losing streak ni Kyrie Irving sa Boston Celtics, nakaisa ang Dallas Mavericks 122-84 sa Game 4 ng 78th NBA 2024 Finals noong Biyernes.

Pero baon pa rin sa series ang Mavs 3-1, lilipat ng TD Garden para subukang sikwatin muli ang Game 5 sa Martes (araw sa Manila) para ibalik ang series sa Dallas.

Gumana ang support cast nina Luka Doncic at Irving tulad nina PJ Washington, Daniel Gafford, Dereck Lively II.

Marami-raming naka-green na Boston fans ang dumayo sa Texas pero natahimik nang magsimulang kumalas ang Mavs sa second quarter.

“You saw all those Celtics fans in there tonight. They travel in packs,” ani Irving na may 21 points. “When we go to Boston, there’s going to be a bunch of them yelling a whole bunch of crazy stuff still.”

Sa 157 teams na nalubog sa 3-0, 11 pa lang ang nakapuwersa ng Game 6.

Kailangan lang ang mas solidong kontribusyon ng role players tulad noong Game 4 nang ibaon ni rookie Lively ang unang 3-pointer ng NBA career. May 12 rebounds pa siya at na-outscore ng Mavs ang Celtics sa paint 60-26 – walo rito kay Lively.

Si Dante Exum, dalawa ang nilista sa 14 for 23 shooting ng Dallas sa 3s kahit 1/14 combined sina Doncic at Irving.

“It’s five people on the floor,” giit ni Doncic, kinamada sa first half ang 25 sa 29 points. “Everybody played with a lot of energy. That’s how we got to do it.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on