WebClick Tracer

SPORTS

MagBeerPagRain kampeon ng PBAPC Raffy Japa Cup

Itinumba ng MagBeerPagRain ang Ginebra Boys 80-68 para itanghal na kampeon ng revived PBA Press Corps Raffy Japa Cup Presented by Burlington men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.

Start-to-finish ang panalo ng MagBeerPagRain, binubuo ng coaches, medical at support staff ng Magnolia, San Miguel Beer at Rain or Shine.

Pinangunahan ng 18 points, 19 rebounds ni tournament MVP Aldo Panlilio, strength and conditioning coach ng SMB, ang champions. Ikinalat ni John Tabasin ang 12 sa kanyang 17 points sa first quarter tungo sa 23-4 lead.

Dambuhalang 20 points, 13 rebounds ang ambag ni big man Ethan Casares, physical therapist ng Elasto Painters.

Pinangunahan ng tig-9 points nina Richard Marcos, Aaron Ang at JayR Baron ang Ginebra Boys.

Sa likod ng 26 points, 16 rebounds ni Sydney Talabis ay kinubabawan ng TerraPort ang MVP Sports Foundation 77-63 sa battle for third ng torneo na mga suportado ng Rain or Shine, LGR, Gatorade, PSC at PBA.

Sina Burlington marketing associate Kim Magbujos, PBAPC president Vladi Eduarte ng Abante/Abante TONITE, Japa Cup commissioner Fidel Mangonon III at deputy commissioner Jonas Terrado ng Inquirer, kasama ang iba pang miyembro ng Press Corps, ang nag-award ng medals sa champions, runners-up at third placers at sa top individual performers.

Kasama ni Panlilio sa Mythical Five sina Casares, Marcos, Talabis at leading scorer Allan Apura ng MVPSF. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on