WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P13.2M naabo sa lumiyab na restobar, 4 pang establisimyento

Nasa P13.2 milyon na halaga ng mga ari-arian ang naabo nang sumiklab ang malaking sunog sa isang resto bar at kumalat sa apat pa nitong katabing establisimyento sa Bacolod City noong Sabado.

Ayon kay Bacolod City Fire Superintendent Mae Masip, sumiklab ang apoy sa kusina ng resto bar sa Barangay 5 bandang ala 1:46 nang madaling araw.

Mabilis aniyang kumalat ang apoy nang madilaan ang apat na katabi nitong mga business establishment na pawang yari sa mga light material.

Dalawa aniya sa mga establisimyento ang lubusang natupok ng apoy habang ang tatlong iba pa ay naagapan at hindi tuluyang naabo.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na idineklarang kontrolado ganap na alas 2:16 nang tanghali.

Samantala, isang tauhan ng resto bar ang nagtamo umano ng mga sugat at paso sa katawan pero nasa ligtas na itong kalagayan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on