WebClick Tracer

NEWS

Rosmar Tan, Rendon Labador tinalakan sa Coron

Nangalampag ang mga mamamayan sa Coron, Palawan na ideklarang persona non grata ang mga vlogger na sina Rosmar Tan at Rendon Labador matapos duruin at sigawan ng mga ito ang isang tauhan ng munisipyo.

Nag-viral ang video kung saan nakitang tinatalakan at dinuduro ni Rendon ang staff. Nasa video rin si Rosmar na tumatalak din sa mainit na usapan.

Hirit ng dalawang vlogger, pumunta sila sa Palawan para tulungan ito na i-promote para sa turismo.

Makikita at maririnig sa video na paulit-ulit na sinasabi ng kampo nina Rendon at Rosmar na pino-promote nila ang turismo sa Coron.

Nag-ugat umano ang galit ng kampo nina Labador at Tan nang mag-post ang staff tungkol sa “panggagamit” umano ng mga ito sa mga taga-Coron.

Dahil sa ginawang pamamahiya sa staff, nanawagan na ang mga taga-Coron na ideklarang persona non grata ang dalawang social media personality.

Nagpahayag na rin ang ilang konsehal ng Coron na maghahain sila ng panukala sa susunod na sesyon habang kinukumbinsi ang kawani na sampahan ng kaso ang dalawang vlogger.

Maraming netizen ang bumatikos sa insidente ng pamamahiya umano sa isang staff ng munisipyo ng Coron na nangyari habang wala ang alkalde ng bayan.

Katakot-takot na bash ang inabot nina Rendor at Rosmar mula sa mga netizen at may mga nagsabi pa na sikat na ang Coron bago pa man umeksena ang dalawang vlogger. (Vincent Pagaduan)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on